^

Kutob

Agosto 13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Naaayon sa panahon ang makipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao at ang pagpapatawad ay maka-Diyos. Favorable ang paglalakbay sa malayo o malapit. Kung may nararamdaman sa katawan, panahon na para magpacheck-up at pagpahinga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Time is gold, kaya kung ano ang binabalak huwag nang hintayin ang bukas, kumilos ngayon. Kahit tinatamad, matutuwa kang matatapos ang mga gawain at may grasyang mapapasaiyo. Good news dahil kung kailangan mo ang tulong, madaling malapitan ang mga kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magandang balita dahil mapalad ka ngayon sa larangan ng pag-ibig. Angkin mo ngayon ang lakas ng iyong ESP na siyang makakatulong sa sarili o sa isang kaibigang na may malaking suliranin. Huwag agad-agad maniwala sa mga impormasyong matatanggap, dapat suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang Capricorn ang magbibigay ng hinanakit, subalit isa namang kapwa Scorpio ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Wala sa panahon na baguhin ang dating mga balak, dahil magiging tagumpay kung ito ay itutuloy. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging masaya at maaliwalas ang araw mo  ngayon. Mapapawi ang suliraning pangtahanan, gayundin sa trabaho. Magiging masigla at makulay ang daigdig lalo na sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging matalas ang kaisipan sa anumang bagay at ito ang iyong matibay na sandata ngayon. Naaayon ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang pagpa-interview o pagkuha nang pagsusulit o examination. Pag-ibayuhin ang pagtitipid para hindi kapusin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maaaring may sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin kaya ipagpaliban muna ito. Nakatakdang magkaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Malulutas ang bagay na madalas na gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red rose.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mula sa mga karanasan, iwasan ang magkamaling muli at talikdan ang galamay ng tukso. Magiging mahaba ang pasensiya at ang pagkamahinahon. Mapagtitibay ang kumukupas na relasyon. Ang anumang pagbabago sa mga binabalak ay hindi napapanahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Isang Leo ang makapagpapainit ng iyong ulo, kaya hangga’t maaari iwasan siya pansamantala. Ang pagtitimpi sa sarili ay dapat pairalin. Good news dahil kung may transaksiyon o may nilalakad, magiging positibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at white.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sundin ang dikta ng isipan at hindi ng puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig, dahil may bantang kapahamakan. Ang pagpapakumbaba ay nagpapakita ng kagandahang-ugali at asal. Huwag padala sa mga matatamis na salita para maiwasan ang maloko. Magiging mapalad sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay  6, 11, 13, 40 at silver gray.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa dahil bukod sa magiging masungit ka ngayon, madali pang mag-init ang ulo mo. Anuman ang gawain, isaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng sarili. Ang matagal nang gustong malaman ay matutuklasan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at green.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Mapaghinala ang kasintahan o mahal, kaya mag-ingat kung may itinatagong hindi dapat malaman. Ang tipanan sa pag-ibig ay hindi favorable dahil tiyak magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Isang alaala ang magbibigay ng kasiglahan at kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

 

vuukle comment

AGOSTO 13

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with