Agosto 12, 2018

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at magenta.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan, dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 36 at beige.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay  2, 4, 33, 41 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin, ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kailangang paminsan-minsan ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o pagwawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maganda ang personalidad ngayon  na aakit sa mga kaibigan lalo na sa mga tagahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasan ang mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na M o N ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 37, 39 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang gawain pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental, dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 33 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang susulpot sa pagitan ng kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaintindihan kung idaraan sa dahas o init ng ulo. Iwasan ang makapagsalita nang makakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 41 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna nang maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat na sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin,  walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag magmalaki sa natanggap na suwerte o katanyagan, dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init nang pagmamahal kung nasa kalooban na ayaw ng broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 29, 40 at lavender.

Show comments