Hulyo 12, 2018

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Hindi umaayon sa araw na ito ang pagbabakasakali dahil malayo sa iyo ang suwerte. Unahin ang paghahanda ng mga kakailanganin sa binabalak na biyahe, dahil dito nakasalalay ang oportunidad na babago ng kalagayan sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 45 at metallic gray.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Pasalamatan ang mga taong nagbigay ng mahalagang payo o tulong. Sila ang naging hagdan sa kasalukuyang kinatatayuan mo. Kung maaari, bahagian sila ng iyong tagumpay sa pamamagitan ng regalo. Ang pagbabalik-tanaw sa pinanggalingan ay maghahatid sa mas malayong paroroonan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 154, 27, 35 at bright yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Huwag iturin na kahinaan ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na nais malaman. Dahil dito nakasalalay ang anumang proposisyon sa buhay. Iwasan ang magkunwari o magdunung-dunungan. May dapat kang alamin tungkol sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 38, 39 at olive green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Malalaman mo ngayon kung ano talaga ang totoong katayuan ng damdamin na inuukol sa sinisinta. Isang bagay ang mangyayari, maaring ikaligaya o ikalungkot ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 26, 37 at flaming red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Simulang pagsisihan ang mga kasalanang nagawa upang hindi pamarisan ng iyong kapamilya o maulit sa sarili. Aani ka ng lubos na respeto at paghanga sa iyong gawain. Huwag mangako kung hindi kayang tuparin para maiwasan ang kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 22, 35 at cannary yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging matensiyon ang araw na ito para sa’yo. Makikilala mo ang mga taong sumisilip sa iyong mga kapintasan o pagkukulang. Inggit lamang ang nagtutulak na gawin ito sa iyo, kaya huwag magpaapekto. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 33 at golden brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat sa mga taong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa iyo. Sila ang mga taong nagpapapansin lamang. Sa pagiging kalmado, ikaw pa rin ang mapapabuti sa bandang huli. Anumang bagay na sinimulan, pag-aralan muna ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 26, 31 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Malaki ang pagkakataon na maipamalas ngayon ang angking talento. Malamang dito ka makikilala at sa pamamagitan nito ay uunlad ang buhay. May taong tutulong hanggang matagpuan ang dapat mong kalagyan. Dagdagan ang sipag at tiyaga nang makamit ang hangad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 21, 42 at red orange,

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May kagandahan at kapangitan na pangyayari ang mararanasan. Maging maagap para mahadlangan ang mga bagay na hindi maganda. Kumilos nang naaayon sa idinidikta ng iyong mga pangangailangan. Huwag magpatangay sa sulsol at paninira ng iba. Lucky numbers ast color for the day ay 5, 14, 37, 40 at royal blue.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Mahaharap mo ngayon ang matagal nang planong paglilinis ng bakuran loob ng bahay at kapaligiran. Huwag bigyang pansin ang maririnig na intriga para maiwasan ang basag-ulo. Isipin ang mga kapamilya na siyang malaking kayamanan, kaysa sa pansariling kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 29, 40 at dark red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang likas na pagiging tahimik ngayon ay makakabuti. Iwasan ang anumang masamang usapan o kaguluhan sa labas ng bahay. Makakabuti ang magpahinga at bigyan ng panahon ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 26, 35 at apple green.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Tuturuan ka ng leksiyon ng isang madamdaming pangyayari na iyong masasaksihan ngayon. Mahalagang pakinggan ang ibinubulong ng konsensiya tungkol sa hakbang na gawin. Itikom ang mga bibig hingil sa opinyon ng iba para hindi mapaaway sa mga taong nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 28, 33 ast forest green.

Show comments