^

Kutob

April 26, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) - Ang ESP ay makakatulong sa paglutas ng sariling suliranin. Paglabanan ang ugaling mapagpuna sa ibang tao, dahil ang balik ay sampung doble sa sarili. Iwasan ang mag-alinlangan at walang mangyaya-ring kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) - Magiging malakas ang pagnanasa subalit makakabuti kung ilalagay sa tamang oras, lugar at tao. Sa paligsahan, ibubuhos ang lahat ng makakaya dahil panahon lamang ang makapagsasabi kung sino ang magwawagi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 35 at flame red.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) - Ang lihim na iniingatan ay malamang madiskubre. Mag-ingat dahil magiging taliwas ang mangyayari sa inaakala. Huwag matakot na ilantad ang katotohanan kung may katuwiran. Hangga’t maaari, huwag gaanong madaldal o masalita. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 40, 42 at fuchsia.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) - Magsaliksik o magtanong sa nakakaalam kung hindi tiyak ang gagawin o patutunguhan. Huwag magpadalus-dalos sa pagpirma o lagda ng anumang mahalagang papeles. Panindigan ang anumang salita o pangako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at cream.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) - Magiging makakalimutin ka ngayon. Bago umalis ng bahay o pinapasukan, itsek ang mga dadalhin nang walang makalimutan. Ang pangako ay malamang hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 32 at magenta.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) - Malaking pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig, kung malinis ang hangarin. Ang mga bagay na lumihis ay manunumbalik sa tamang landas. Huwag patangay sa emosyon kung may suliraning darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 27 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) - May posibilidad na makatagpo ang dating kaklase na siyang makakatulong sa pagbabago ng takbo ng buhay. Ang walang imik sa trabaho ay magbibigay ng hindi magandang kahulugan sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

SAGITTARIUS  (Nobyembre 23-Disyembre 21) - Ang inaasahang tulong o salapi na matagal nang hinihintay ay malamang darating. Ang relasyong pampamilya ay magiging matatag at maligaya kung pagsisikapan. Maaaring mabigyan ng solusyon ang matagal nang problema. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) - Magiging maunlad sa lara-ngan ng negosyo o panganga-lakal. Iwasan ang anumang paanyaya. Huwag basta maniwala sa tsismis. Huwag magpabigla-bigla sa pagdedesisyon kung hindi tiyak ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) - Ipagpaliban ang pagdalaw sa kaibigan o kasintahan. Mapapanatili ang magandang harmony sa pag-ibig, kung iiwasan ang usaping selos at pangangailangan ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) - Maging handa sa mga pagbabagong magaganap sa tungkulin. Magsikap at magtiyaga para magtagumpay. Sikapin na mailagay sa maayos ang naging magulong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) - Ang pansariling binabalak na gawin ay dapat ipagpa-liban, dahil may hadlang at hindi magtatagumpay. Sa larangan ng pag-ibig, ang sitwasyon ay normal at mapayapa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 35 at champagne yellow.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 26 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with