^

Kutob

February 24, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip kilos at gawin kaagad dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangungulit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mas matimbang ang kadugo kaysa kakilala o ibang tao. Mag-ingat dahil baka mapahamak at makipaglaban sa katunggali ng kamag-anak. Ang may katuwiran ang dapat paningan at hindi dapat ilagay sa kamay ang batas at kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 29, 38 at avocado green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sa bawat tao, normal ang may problema. Ang hindi normal ay maging emosyonal at magpadala sa agos at hayaang maapektuhan ang sariling buhay. Sa ilalim ng sikat ng araw, lahat ng problema ay may katugmang tamang solusyon. Hindi mo hinihingi ang iyong buhay, kaya wala kang karapatan na kitilin ito. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 39, 42 at red.  

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Maaliwalas ang panahon para sa iyo. Walang magiging problema sa trabaho at maging sa tahanan. Kung may negosyo, magiging maunlad. Malaki ang panahon para makapag-relax. Iwasan ang makipag-date dahil maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 29, 33 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging mahina ang tiyan lalo na sa proseso ng panunaw. Mag-ingat sa kakainin para walang maging problema. Iwasan ang mamantikang pagkain. Gulay, isda at prutas ang magbibigay sigla sa kalusugan. Tamang ehersisyo o ensayo ang dapat gampanan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 23, 41 at maroon.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mabuti kang tao, mabait, matulungin at mahusay makisama. Subalit huwag magtiwala dahil may iilan na gusto kang ilaglag at siraan. Ito ang mga taong naiinggit sa iyong kinakatayuan. Kung tatanga-tanga ka, papasok ka sa bitag. Iwasan ang inaakalang magpapahamak sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 39, 43 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Dakila ang puso sa hangarin na makatulong sa kapwa. Alalahanin na kailangan na may sapat at sobra sa sarili. Unahin ang sariling  kapakanan bago sa iba. Isang magandang aral ang mangyayari na dapat simulan at paghandaan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 31 40 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag maliitin ang gawa ng iba dahil may mga bagay na kaya nila pero hindi mo kaya. Huwag ihalintulad sa sarili ang magagawa ng iba dahil si Juan ay hindi maaring maging si Maria. Maging responsable sa mga katulong dahil kung nakapag-aral sila, malamang ikaw ang kanilang alila. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 36, 38 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Nang dahil sa dami ng trabaho magiging matamlay ang pakiramdam o masakit ang ulo o katawan. Bigyan ng panahon ang sarili na makapagpahinga para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Huwag pilitin ang sarili sa paggawa kung hindi maganda ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ay 13, 14, 26, 37 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain na isang dating insidenta o magkahalintulad ang maulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon, kaya ang mag-ingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 22, 34 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na isang aral ito na hindi na dapat maulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating ang solusyon sa tamang  oras o panahon. Iwasan na maging emosyunal. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng mga hindi makakalimutang moment. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 28 39 at gray.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with