^

Kutob

February 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Walang masama kung alamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at makantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan mo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fushia.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Tiyaga at sikap ang maliwanagan na sikreto ng tagumpay at kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan para magkahikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyang. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control ihahantid ka sa kapahamakan. Sa lahat ng bagay, taglayin ang magdalawang-isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos o gawin. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon o mapakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy kaya kung may sikreto, malamang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung abot sa sukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali kang mapikon at mag init ang ulo. Self-control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaasahan na malaki ang pakinabang sa ibubunga ng ginagawa. Magiging matagumpay sa nilalakad. Kung nag-aaplay ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day 1, 3, 34, 41 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya at dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon, maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa utak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang iyong nilalandas, kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa iyong mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti, sundin; kung masama, iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with