Disyembre 17, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2017 - 4:00pm

Pagtitibay: Ang hakbang sa paglago ay ang pagbabahagi ng biyaya nang may tunay na kagalakan sa puso. Sa ganitong kalooban, napaparangalan ang Manlilikha ng mundo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi ito labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis o matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang upang magkamali, kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain na hindi mo matatanggihan subalit ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit makakalayo sa away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumento dahil pagmumulan ito ng simpleng hindi pagkakaunawaan. Sikapin na hindi mapasok sa kumpromiso.  Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Anuman ang gagawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung nagiging ugali ang magpabaya, ngayong dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan, subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makakasali sa gulo. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 23, 41 at violet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maraming gagawin subalit kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung makakatanggap ng regalo mula sa opposite sex, tiyak na magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay B, E o W, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Capricorn dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang kinatatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan, tiyakin lamang na ang bawat gagawin ay hindi labag sa batas ng tao at Diyos. Sipag at tiyaga ang sagot sa kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak na hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aral ang kailangan upang makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung gulung-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan at dumaranas ngayon ng kapaitan, walang masama kung puputulin ito hangga’t maaga. Kumunsulta sa psychic. Huwag magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magandang balita ang matatanggap. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin, kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa katunggali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with