^

Kutob

Agosto 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang imposible. Ang lahat nang dapat matutunan para sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ay maituturo ng ispiritung mula sa makapangyarihang Manlilikha ng mundo.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at violet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag pala­wakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kailangan paminsan-minsan, ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan, lalo na sa humahanga. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasan na mapahamak. Sa pag-ibig, ang may inisyal na M o N ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 37, 39 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 33 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pakakaunawaan kung idaraan sa dahas o init ng ulo. Iwasan na makapagsalita nang ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 41 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung ina­akalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin kung sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin,  walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag magmalaki sa natatanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pa­ngarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nasa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan upang maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung ayaw ng broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 29, 40 at lavender.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idaraan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 38, 42 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at magenta.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag asahang sa­sagutin ka ng iyong nililigawan, dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka niya. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 36 at beige.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay  2, 4, 33, 41 at brown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with