Agosto 8, 2017

Pagtitibay: Magbabago ang lahat pero hindi ang pag-ibig at tapat na malasakit ng Maykapal. Anuman ang mangyari, kapit lang sa mapagkakatiwalaan Niyang Salita.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung aabot sa suk­dulan ang pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay nang walang kaaway. Madali kang mapikon at mag-init ang ulo. Mahigpit na disiplina sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Walang masama kung alamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mare­resulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Nasa tamang daan ng kaunlaran sa buhay ang nilalandas, kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa mga binabalak, huwag pansinin. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti, sundin; kung masama, iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung ina­akalang tama ka sa gagawin, ituloy dahil malakas ang iyong ESP ngayon, maliban kung labag sa batas ng Diyos at tao ang nasa isip. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak matatalo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa utak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at pagpapasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Hindi masama kung kasing lawak ng langit ang iyong pangarap. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maganda ang hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon at kilos. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob na harapin, magtata­gumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maaasahan na malaking pakinabang ang ibubunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad. Kung mag-aaplay ng trabaho at lalakarin ngayon, malaki ang posibilidad na matanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mapaghinala ang mina­mahal. Mag-ingat sa komunikasyon, makipag-usap o makipag-ugnayan sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy; kaya kung may sikreto o tinatago malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magiging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang mangyari na pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuschia.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay at kung ito ay pala­ging taglay, walang dahilan na maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang sitwasyon sa kasaluku­yan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magiging ma­pusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, tatahakin mo ang landas ng kapahamakan. Sa lahat ng bagay taglayin ang magdalawang-isip, kung ano ang mabuti at masama ang idudulot bago kumilos o gawin. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

Show comments