Hulyo 8, 2017

Pagtitibay: Anuman ang kalagayan ko, ipinagpapasalamat ko sa Maykapal, na sa tuwina’y ipinararanas ang malasakit at habag Niya sa akin.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang maging mapagpuna at mapaghusga sa mga nasasaksihang pangyayari. Kung hindi maganda ang makikita sa kapwa, huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Panahon ngayon para baguhin ang hindi magandang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 35, 43 at blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging mahalagang asset ang kaalaman sa sining na dapat simulan para mapagyaman. Kung may balak sa pagnenegosyo, ngayon simulan at tiyak matatamo ang kaunlaran. Malamang magiging mediator ka sa dalawang kaibigan o kamag-anak na hindi nagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 32, 45 at gold.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mararamdaman ang paghina ng negosyo kaya agapan ang paghahanap ng tamang solusyon. Gumawa ng makabagong gimmick upang ito ay muling umunlad. Nasa sariling pagsisikap ang ikauunlad ng negosyo o posisyon sa trabaho. Magsikap para sa sariling pag-unlad. Kumunsulta sa isang psychic. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 34, 40 at purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag gaanong magmataas. Sa halip maging tapat tungkol sa inyong kalagayang pinansiyal. Maaaring may makatulong kung magiging totoo at hindi magiging malihim. Kung may itinatagong sikreto, malamang ito ay matutuklasan ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 23, 29, 42 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung hindi mag-iingat, magkakaroon ka ng koneksiyon sa mga taong tuso at mapagsamantala. Maaaring hindi ikaw ang makinabang sa iyong pinaghihirapan kung magiging pabaya. Gamitin ang talino sa bawat hakbang. Ingatan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 24, 35 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mapapatunayan mo ngayon sa lahat na nagkamali sila ng impres­yon sa iyo. Malamang magkakaroon ka ng negosasyon na may kinalaman sa pera o ari-arian. May darating na kapamilya na maaaring may dalang surpresa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 25, 31, 43 at light blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makakaasa ka ng pangako tungkol sa mahalagang impormasyon na kailangan. Kung may binabalak na paglalakbay, ngayon ang maunlad na araw upang isakatuparan. Malamang makakadalaw sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakikita. Walang magiging pagbabago sa takbo ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 31 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magkakaroon ka ng malaking dahilan upang makaiwas sa mga regular na gawain. Harapin ang pag-unwind upang magkaroon ng panibagong enerhiya sa kalusugan at magandang pag-iisip. Magiging maunawain at sensitibo ang nakakataas. Masuwerte ka sa kasalukuyang karelasyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 38 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Makakaramdam ng panghihina at kawalan ng gana sa pagtatrabaho. Kung ano ang hirap na dinanas, huwag sumuko dahil abot-kamay na lang ang tagumpay. May magandang katuparan na aagaw ng atensiyon at pagpapahalaga. Lalo kang ma-in-love sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 28, 36 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang pinaplanong negosyo o transaksiyon. Kung may kasosyo, mag-ingat dahil baka magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa mga kapalpakan o kapabayaan. Kung magkakaroon ng suliranin sa umaga, makakabuti ang mag-relax muna at i-postponed o i-cancel ang mga appointments. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 17, 34 at apple green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mabahala kung walang naririnig na balita tungkol sa legal matters. Dahil ito ay tatakbo ng matiwasay. Maaaring makatanggap ng good news mula sa kamag-anak o matalik na kaibigan. Kung may balitang matatanggap, tiyakin na mapagtutuunan ito ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 38 at violet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mag-ingat dahil ikaw mismo ang gagawa ng sariling kapalaran. Kung may pagdududa sa ginagawa, tiyakin na hindi ito matuloy dahil babala ito ng kapalpakan o pagkakamali. Mag-ingat sa kakainin dahil magiging mahina ang panunaw at madaling masira ang tiyan o sikmura. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 21, 35 at orange.

Show comments