Hunyo 16, 2017

Pagtitibay: Ang lahat nag sa akin ay kaloob ng Maykapal. Sa Kanyang katapatan ako ay magtitiwalang hindi Niya ako pababayaan.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Pakinggan ang panig ng iba. May pagkakataon na ipagpipilitan mo ang iyong suhestiyon na magreresulta ng hindi pagkakaunawaan. Kahit sa akala mong tama ka, nararapat lamang na makinig sa katwiran ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 36, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang short term goals ang dapat pagtuunan ng pansin at pagsikapan na magawa. Iisantabi muna ang malalaking bagay na hinahangad dahil lalo lamang madidismaya. Ibayong sikap ang gawin sa nakaatang sa balikat. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 29, 40 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) –  Malaki ang kumpiyansa sa sarili, kaya walang puwang na magkakamali at maraming magagawa. Ang pagiging positibo sa isip ay siyang landas ng tagumpay. Iwasan na mahatak sa pambubuyo ng mga kasamahan  o kaibigan dahil ito ay iyong pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 39, 43 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kakaharapin ang hamon ng iyong pagtitimpi ng taong makulit at mahirap umunawa. Pasensya ang kailangan ngayon sa tahanan at sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 26, 42 at peach.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –   Sa halip na harapin ang pressure ng sarili, mahaharap ngayon sa pressure mula sa tahanan, kaopisina, kasamahan o maging sa kaibigan. Maaaring maharap ka sa pagkalito o pagsubok. Sa iyong iniibig, maaaring makamit mo ang lakas ng loob, subalit ito ay maaaring magdulot ng panganib. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 34, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) -  Ang iyong gustong gawin ay mangangailangan ng oras. Habang taglay ang kalayaan ng iyong isip at damdamin, gawin ang nararapat na inaakalang makakabuti. Sa madaling sabi, gawin ang nararapat na hindi dikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 29, 44 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Harapin ang tungkulin ng buong puso at husay nang maiwasan ang komprontasyon. Hindi maiiwasan na minsan wala tayo sa sarili at makakaligtaan ang tungkulin. Alalahanin kung tayo ay nagtatrabaho, may kataas-taasang nagmamasid. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 31, 40 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Upang makatiyak sa tagumpay, iwasan na magsimula ng isang proyekto na hindi pinag-aralang mabuti ang in and out o isangguni sa higit na nakakaalam. Baguhin ang ugaling sagot agad at sa bandang huli ay magsisisi. Ang mga pangit na impluwensiya sa pagkatao ay dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 27, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magandang palatandaan ang relasyon sa pag-ibig, magiging masaya at maligaya, huwag lamang mahaluan ng selos. Kung may kaunting gusot sa pamilya, madaling mabigyan ng solusyon. Huwag lamang idaan sa init ng ulo. Kung magiging maunawain at mahinahon, magiging masaya ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 23, 33 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Walang perpektong relasyon at maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa mga may asawa na hindi magkaunawaan, madaling mareresulba ang sigalot kung magiging mahinahon at pakikinggan ang kabilang panig. Ang selos ay kakambal ng pag-ibig, huwag lamang sobra. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 23, 39 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag balewalain ang pag-ingat upang maiwasan ang aksidente o makasakit ng ibang tao. May mga pagbabago kang dapat gawin at kung magagawa, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. May dapat kang pakinggang suhestiyon na dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 26, 37 at navy blue.

TAURUS (Abril 20 -  Mayo 20) –  Sundin ang tibok ng puso at dikta ng isip. Huwag magpadala sa sulsol upang hindi masira o makaperwisyo ng iba. Hindi mawawalan ng ahas sa gubat, gayundin hindi mawawalan ng mga intriga kung may mga kasamahan sa trabaho. Huwag silang patulan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 27, 28 at peach.

Show comments