Mayo 28, 2017

Pagtitibay: Alam kong iniingatan ako ng Maykapal sa bawat sandali. Hindi ako mag-aalala dahil tunay Siyang tapat.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag hayaang masira ang pagkatao nang dahil sa ambisyon na umangat sa trabaho o sa kinang ng pera. Tiyakin na ang pagkain na hinahain sa pamilya ay nanggaling sa malinis at marangal na kita. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 37, 42 at Yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mahihirapan kang makitungo sa mga nakapaligid sa iyo ngayon. Makakabuting ipokus ang iyong atensyon sa ginagawa o sa mga gagawing bagay. Hangga’t maaari, iwasan ang makisalamuha sa grupo o huntahan dahil mapipikon ka lamang. Lucky numbers at color for the day ay 31, 34, 37, 42 at Blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang pag-uukulan mo ng atensyon ay may kaugnayan sa negosyo o trabaho. Ilang mga detalye ang dapat bigyan ng prayoridad para mapag-aralan ang ilang aspeto na hindi nabigyan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 25, 39 at Pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Tatanggihan mo ang isang pakiusap ng kasamahan, kaibigan o kamag-anak. Dahil kung pauunlakan ay pagsisisihan. May pagsubok na kakaharapin, iturin na ang hatid nito ay magandang aral para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 06, 08, 29, 39 at Green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –Maganda ang takbo ng lovelife kaya ang pakiwari ay nasa tuktok ng daigdig. Bigyan ng kaukulang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at Red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –May positibong pagbabago sa mga galaw at pagkilos nang dahil sa pagibig. Ang problema sa tahanan o personal ay hindi mawawala, ngunit magaan mo itong madala. Lucky numbers at color for the day ay 22, 18, 28, 38 at Dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Para sa ikakaganda ng relasyon sa lahat, unawa at pasensya ang dapat pairalin. Magiging abala ka sa araw na ito, subalit masaya naman ang iyong mararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 04, 05, 33, 42 at White.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda at tugma ang panahon sa pana­nalapi. Ihanda ang sarili sa surpresang matatanggap, subalit hangga’t maaari iwasan ang makipag-date, iwasan ang magbyahe nang malayo at kung nagmamaneho huwag balewalain ang pag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 19, 33, 37, 38 at Maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Haharapin nang matatag at mag-isa ang hamon sa buhay. Dahil wala kang makuhang suporta kahit kanino, sariling kayod ngayon. Huwag mag-alala dahil kung magiging matatag, tiyak malalampasan ang anumang problema. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 33, 43, at Scarlet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may gagawing pag­lalakbay, sa umaga isakatuparan nang walang maging sagabal sa byahe. Ang byahe sa hapon ay magkakaroon ng abala o alintana. Upang makatiyak sa iyong hinala, tutukan ang pagsubaybay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 19, 37 at Aquamarine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung hindi sasamantalahin ang oportunidad, maiiwanan ka ng mga kasamahan sa pag-asenso sa trabaho. Doblehin ang sipag at pagsisikap. Huwag tutulog-tulog. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 13, 31 at Tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Marami kang gustong gawin at kadalasan, mahilig kang magsimula at pagkatapos bibitawan nang hindi tapos, na siyang mangyayari ngayon. Simulan ang pagdedesiplina sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 03, 15, 35, 42 at Ocean blue.

Show comments