Disyembre 6, 2016

Pagtitibay: Bubuhos ang biyaya at walang makakapigil nito. Sa grasya ng Panginoon, mabibili ko ang matagal ko nang pangarap na appliances.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung isang Libra o Virgo ang ma­kikilala ngayon, malamang siya ang iyong cinderella o prince charming­. Kung may magyayaya, huwag pala­lam­pasin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 30, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Walang mapapala kung hindi kikilos. Walang aanihin kung hindi nagtanim. Huwag sayangin ang oras dahil ang lumipas, kailan man ay hindi na ma­i­babalik. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 34, 42 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Maaliwalas ang pa­nahon sa tahanan at sa trabaho. Matatapos nang walang hadlang ang mga gawain. Lalam­bi­ngin ka ng mahal, magulang o anak dahil may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 39, 42 at beige.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Ang masamang ka­ra­nasan sa lumipas ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Upang magkaroon ng tamang gabay, taimtim na panalangin ang kaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 23, 27, 38 at ivory cream.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magaan ang trabaho ngunit may kabigatan sa aspetong pinansiyal. Kung may mga collectables ka ngayon, singi­lin dahil mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 25, 34 at blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung sa pakiwari mabi­gat ang problema at hirap mahanapan ng tamang solusyon, kumunsulta ng psychic dahil ibang tao ang makapagbibigay ng remedyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 31, 42 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Larawan ng pagka­tao ang kanyang salita o sinasabi. Huwag mangako dahil mahihirapan kang tuparin. Magiging makakalimutin ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 29, 33 at ruby red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Talo ka kung mapipikon dahil ikaw ay magiging sentro ng biro at kantiyaw. Kung makikisayaw ka sa tugtog, maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 27 at lemon green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22)  –  Sadyang hindi maiiwasan sa tao ang magmahal, ngunit maiiwasang magkamali sa mamahalin, kung damdamin at utak ang pagaganahin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 28, 38 at orange.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) – Kahit anong bagay kung sobra o kulang ay hindi maganda. Ang sobra mong pagmamahal ay siyang daan sa pag-abuso ng iyong karapatan at kala­yaan. Ang iyong pagka-workaholic ay magiging daan ng iyong hindi magandang kalusugan. Pag-aralan ang tamang balanse sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 23, 39 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malakas ang iyong makamundong pagnanasa at bugso ng damdamin, na kung walang disiplina ay may kapahamakan ang darating. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 19, 38 at cream.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Madali kang makumbinsi sa mga iaalok na bagay. Mag-ingat at baka mapeke o madenggoy. Suriin at alamin muna ng mabuti bago magdesis­yon. Kung may pagdududa, huwag ituloy dahil magiging tama ang kutob ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 33, 34 at maroon.

Show comments