_ngayon
^

Disyembre 2, 2016

Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2016 - 12:00am

Pagtitibay:  Anuman ang nasa buhay ko ngayon ay ipinagpapasalamat ko sa aking mapagmahal na Diyos.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may mag-aanyaya. Kung isang Libra o Virgo ang makilala, hahantong sa pang-matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang makipag-isa sa tahanan, maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang. Harapin ito nang buong tatag at panagutan anuman ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37, at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao upang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahangaan ng kasamahan o ng boss kung maganda ang mood. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilihin. Tiisin dahil kapos ka ngayon. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May gantimpalang naghihihintay sa pagbibigay ng abuloy. Ang serbisyong sibiko ay magiging prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with