Oktubre 7, 2015

Pagtitibay:  Sanayin ang isip na dumipende sa Diyos­, sa halip na sa sarili. Dahil anumang makakabuti sa lahat ang laan Niya sa tuwina.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong nilalandas kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng mga pagtutol sa mga binabalak. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti, sundin; kung masama, iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 32, 39 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control, ihahatid ka sa kapahamakan. Sa lahat ng bagay, taglayin ang magdalawang-isip kung anong kabutihan at kasamaan ang idudulot bago kumilos o gawin. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng sigalot at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbersat color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy kaya kung may sikreto, malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay at kung ito ay palaging tataglayin, walang dahilan para maghikahos. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang situwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung aabot sa sukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away ngunit masarap mabuhay nang walang kaaway. Madali kang mapikon at mag-init ang ulo. Self-control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Panalangin ang iyong matibay na gabay ngayon. Walang may gusto na may masamang mangyayari sa sarili at tanging Diyos lamang ang makakaalam. Ang lubos na pag-iingat sa pagkilos, paggawa at pananalita ang siyang dapat pa­iralin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 34, 41 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi masama kung kasing-lawak ng langit ang iyong pangarap na kaunlaran sa buhay. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, sikap at tiyaga. Magbanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 30, at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may ma­gandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung inaakala mong tama ka, gawin dahil malakas ang iyong ESP ngayon. Maliban lamang kung labag sa batas ng Diyos­ at tao. Iwasan ang anumang uri ng sugal dahil tiyak mata­talo. Kung iinom ng alak, ilagay sa tiyan at huwag sa utak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakiki­baka. Diplomasya ang kailangan dahil may maka­ka­sagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pag­ka­maunawain at pagpasensiya ang dapat pairalin. Lucky num­bers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Malapit ka nga­yon sa mga taong mapagbiro at palakantiyaw. Magi­ging mainitin ang iyong ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

Show comments