Oktubre 2, 2015

Pagtitibay: Laging mabubuting bagay ang laan ng Diyos, kaya pinagkakatiwala ko sa Kanya ang buong araw at buong buhay ko.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag malito sa payong matatanggap. Pag-aralang mabuti ang nararapat gawin bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 20, 26 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Madaling lapitan at kung tiyak na maganda ang pakay ay mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang hinanakit sa trabaho sa nakaraan ay mapapawi ngayon. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung hindi tiyak ang kalalabasan, huwag pasukin. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag magpadalus-dalos dahil malamang makakasagupa ka nang makakaalitan. Iwasang mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Dahil malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang isip, ang desisyon ay lalandas sa tama. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hintayin ang tamang oras sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil maaaring magbunga ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 13 at rose.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin para makaiwas sa bulilyaso. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.   

GEMINI (Mayo 21-Hun­yo 21) – Mag-ingat sa pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Maganda ang takbo ng pa­ngangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Ang tahanan ay mapagtutuunan ng pansin ngayon. Magiging mainit ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging makitid ang pananaw, gayundin ang pag-iisip. Magpahinga o mamasyal para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Huwag pagbigyan ang anumang uri ng paanyaya. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at new rose.

Show comments