Setyembre 28, 2015

Pagtitibay: Ang lahat na pinagmulaan ng nilalang ay isang tahimik na kapangyarihan ng diwa ng karunungan ng Diyos sa ating kalooban.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Subukang maki­pagkita sa dating kasosyo sa negosyo. Mas mabuting pangyayari ang darating sa iyo sa araw na ito. Huwag ipakita sa mahal sa buhay ang pagpatak ng luha. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 27, 39 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Dadalawin ka ng isang kamag-anak dahil sa suwerteng natamasa. Huwag ma­ging maramot. Ganyan talaga ang buhay, kung sino ang mayroon, siya ang nilalapitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 22, 27 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kakayanin mo ang pagod sa maghapon. Kailangang magpahinga ng todo para makabawi. Kung papabayaan mo, ito’y magiging sanhi ng karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 23, 34 at vocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kukomprontahin ka ng iyong mahal dahil hindi maipapaliwanag ang pangyayari. Magkakaroon ng kaunting tampuhan sa pamilya ngunit huwag mag-alala at madaling mareresulba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 20, 36 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Lalong mapapamahal sa iyo ang iyong irog dahil sa iyong ipinakita sa kanya. Hihingi ka ng pinansiyal na tulong sa isang kaibigan o kamag-anak. Hindi ka mabigo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 22, 35 at dirty white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mabibiktima ka ng isang panlilinlang kung magpapabaya. Mapapanatili ang paghanga at respeto ng iba sa iyo, kung pananatilihin ang pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 31, 40 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi ka kikibuin ng iyong iniirog. Huwag hayaan na lumala ito, pag-ukulan siya ng panahon. Pag­lalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya para lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 22 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Bigyan ng pansin ang pinansiyal na pangangailangan. Tila lalaki ang iyong gastusin sa panahong ito. Isang malapit na kapamilya ang lalapit sa iyo para humingi ng tulong pinansiyal. Pero ‘di mo mapapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 25, 32 at burnt pearl pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Walang makakapansin sa iyong ginintuang puso subalit huwag tumigil sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Ang nasa itaas ang magbibigay ng biyaya sa iyo kaya patuloy kang manalig sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 31, 40 at garnet red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Tumahimik ka muna, kapag nag-uumpisa na namang magbunganga ang iyong asawa o magulang tungkol sa pera. Kailangan mong harapin na talagang kinakapos ka sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 17, 31 at citrine yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Makakatagpo mo ang dati mong mahal. Posibleng humantong sa bawal na relasyon ang inyong pagkikita. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 24, 31 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hawakang mabuti ang natanggap na pera. Hindi pa panahon para gastusin ito. Mag­ingat sa pakikisalamuha sa mga bagong kakilala baka ikaw ay mabiktima. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 15, 31 at mint green.

Show comments