Setyembre 3, 2015

Pagtitibay:  Isasama ko sa hangin ang mga pangambang nararanasan ko. At lubos na magtitiwala sa aking Manlilikha.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Anumang tulong na ibinigay sa iba ay huwag asahan ng kapalit dahil maghihinanakit ka lamang. Anuman ang mangyari, ang utang ay utang na dapat bayaran. Huwag kang magpautang o magpahiram ngayon dahil hindi ka mababayaran sa pangakong panahon at magiging daan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 14, 34, 44 at purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Hindi maiiwasan na humingi ng pabor. Kung mainit ang ulo ng mahal, para maiwasang mauwi sa hindi pagkakaunawaan, makakabuting huwag pansinin at tumahimik na lamang. Panunuyo at hinahon ang tanging paraan para humupa ang init ng ulo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 38, 42 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May pangyayari sa loob ng tahanan o pinapasukan na hindi magugustuhan. Pasensiya at hinahon ang kailangan sa situwasyon para hindi mauwi sa gulo o paghihinanakit ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 16, 22, 36, 37 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maging alerto sa isang kaibigan na magyaya. Huwag pumayag sa hihinging pabor dahil ikaw ang masisira. Magiging maganda ang resulta ng lahat ng bagay sa panig kung magiging positibo ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 17, 19, 27, 38 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi biro ang gagawing desisyon kaya kumunsulta sa magulang, minamahal o sa isang psychic para magkaroon ng maganda at tamang gabay. Kung sarili mong desisyon ang magiging batayan, tiyak magsisisi ka sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 28, 43 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang mga taong magtatangkang pigilan ka sa iyong desisyon o plano ay hindi mo mapapansin. Bagay na tama ka dahil positibo ang resulta sa iyong gawain. Pangkaraniwang problema ang nasa isip at dahil dito parang nakalutang ka sa hangin, bagay na maging maingat sa paglalakad sa lansa­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 28, 38 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maging alerto sa lahat ng oras at mag-ingat sa mga taong ganap na kilala dahil magiging malapit ka sa mga mandaraya at mandarambong. Hangga’t maaari, huwag lumakad ng mag-isa. Iwasan ang magpagabi sa lansa­ngan o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 35, 40 at green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Gusto mo man pagbigyan sila, mangingibabaw ang hangarin na paghandaan ang sariling kinabukasan kaysa unahin ang kapakanan ng iba. Maaaring malito ka dahil sa maraming pangangailangang dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 37, 42 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pag-aralan mo ngayon ang magandang paraan kung papaano magiging kaakit-akit para mapansin ng nakukursunadahan. Mayroon o walang tututol sa iyong mga plano, ituloy mo pa rin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 25, 38 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mahalin mo muna ang iyong sarili para mahalin ka rin ng iyong kapwa. Ang hindi magandang trato ng taong pinahahalagahan ay maliwanag na palatandaan na wala siyang pagmamahal sa iyo at dapat lamang ibaling sa iba ang iyong atensyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 24, 41 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Paglilinis ng tahanan o opisina ang magiging prayoridad. Ang mga bagay na hindi na kakailanganin sa tahanan o opisina ay paglaanan ng panahon para maibasura o ipamigay para magamit ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 27, 39 at orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malilibang ka sa panonood ng palaro o mga batang naglalaro sa paligid, na magbibigay ng pansamantalang kasiyahan sa bandang hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 33, 43 at yellow.

Show comments