Marso 28, 2015

Pagtitibay:  Ang pagsisikap na sumunod sa Dios ay paniniguro sa mas magandang buhay para sa iyo.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Ang pagbabagong magaganap sa iyong trabaho o sa tahanan ay ikatutuwa ng iyong pamilya. Ang iyong mga kaibigan at mga kamag-anak ay hindi mo maaasahan ng anumang tulong. Ang makakabuti ay magsariling-sikap ka. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Congratulation dahil doble ang iyong suwerte ngayon. Sa hanapbuhay, negosyo at pag-ibig. Magiging magaan ang hanap-buhay subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Naaayon ang makipag-date. Walang magiging problema kaya maaliwalas at masaya sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 39, 42 at garnet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kagipitan at pangangailangan sa pera ang problema dahil sa gastusin ng mga nag-aaral. Anumang uri ng suliranin ay may katapat na solusyon kaya huwag mabahala dahil may solusyon kung sadyang hahanapin. Sipag at tiyaga ang dapat para matamo ang kaginhawaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung ano man ang iyong pinaplano, siguraduhing ito ay maisasagawa sa lalong madaling panahon. Time is gold kaya huwag aksayahin ang panahon. Huwag mag-aksaya ng oras at baka ang suwerte mo ay lumayo. Bigyang pansin ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 25, 39 at light green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ipagpaliban ang anumang bagay kung may pagdududa. Iwasan ang magpaluwal ng pera lalo na kung ito ay malaking halaga. Kung may gagawin, mag-ingat sa matatalas at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 34, 41 at red orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Jackpot ka nga­yon dahil may mga kaibigan na handang magmalasakit o maghandog ng tulong kung ito ay iyong kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay at magiging malambing. May good news kang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 33, 39 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Naghihintay ang magandang kapalaran sa iyong personal na hangarin kung kikilos kaagad. Ang mga suliranin sa loob ng opisina o tahanan ay mabibigyan ng tamang lunas kung aaksiyunan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 24, 33, 40, 44 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May pagkakataon na makakadalo ka sa isang salu-salo kasama ang isang matalik na kaibigan na hindi mo inaasahan. Malamang makakakilala ng makapagpapatibok ng iyong puso at baka maging katuwang sa habang-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 34, at 40 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Dalawa ang batayan ng kaibigan: una kakilala na walang pakialam sa bawat isa. Pangalawa, kakilala at damayan sa bawat isa sa hirap o ginhawa. Ang panga­lawa ay siyang maituring na tunay na kaibigan. Mag-ingat sa pagpili ng tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 36 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat ngayon dahil may kahinaan ang parte ng katawan mula baywang hanggang talampakan. Iwasan ang magbuhat ng mabibigat na bagay. Kung may lakad, iwasan ang magsuot ng mataas na takong upang maiwasan ang matapilok. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 37 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Malamang isang matalik na kaibigan ang magtatraydor sa iyo. Kung ayaw mong magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang ng pera. Sa love life, good news dahil magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay yellow gold.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ngayon ang araw kung gustong makipagsapalaran sa anumang bagay. Kung makikipagsapalaran ka sa iyong pag-ibig, malamang matamo mo ang best result. Kung makikipagsapalaran ka tungkol sa negosyo, ito ang unang baitang sa pag-angat at paglago. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 32, 39 at sky blue.

Show comments