Marso 25, 2015

Pagtitibay: Sapat ang grasya ng Dios sa buong araw para sa akin at sa lahat ng miyembro ng aking pamilya.           

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging praktikal at huwag  maghangad ng labis na hindi kayang abutin. Ang matagal nang gustong malaman ay malalaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 35 at brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nasa landas ang gustong makamit. Kaunting panahon na lamang ang hihintayin at mapapasakamay ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 7, 31 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin o responsibilidad sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 34, 45 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang bagay na sinimulan ay tiyak na tatakbong magin­hawa dahil sa kasiglahan. May kasamahan na naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan kaya dapat maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 8,10, 23, 36 at sky blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May sasalungat sa binabalak subalit ang husay at galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 21, 39 at lavander.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malaking tulong ang payo ng mga matatanda para maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 37 43 at white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng sariling problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing mental kaysa pisikal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 28, 31 at cannary yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Umaayon ang panahon na makipag-date. Huwag mabahala sa mangyayari dahil kakampi mo ang katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 25, 30 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Marami ang dapat gawin subalit ang pagkalito ng isip ang magiging dahilan ng pagkaabala. Lalong mabilis na makakamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Nasa panig ang kaligayahan. Ang balita na matatanggap mula sa malayong lugar ay siyang magbibigay sigla. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 18, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Huwag magmadali sa hinahangad subalit kung may pagkakataon na darating, kilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 36 at magenta.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa pagpapahayag mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan at magiging sanhi ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 30 at fuchsia.

 

Show comments