Marso 22, 2015

Pagtitibay:  Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mag-react. Dahil kung minsan, mas makakabuti kung manahimik at magtiwala na ang Dios, ang bahala sa lahat.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –Habang may buhay, may pag-asa kaya baguhin ang dapat baguhin. Kung magsasali­k­sik, may matatamong  kaunlaran at kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 24, 39 at purple.   

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nakatakda ang mala­king pagbabago kung patuloy ang kasalukuyang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang pagkatamad ang siyang iiral na dapat pag-labanan dahil hihilain ka pababa kaysa paangat. Ang obligasyon sa trabaho at sa tahanan ay dapat gampanan nang taos puso. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at light green.  

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging maaliwalas ang araw. Maluwag ang panahon sa pamamasyal o paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magandang balita ang matatanggap, maaaring may kinalaman sa bagong trabaho, impormasyon o sa negosyo. Tiyak na magandang hinaharap ang nakatakda kung hindi magbabago sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 17, 23, 36 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Kung magkakaroon ng hindi magandang karanasan, dapat kalimutan at isipin na isang aral na hindi na mauulit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue sapphire.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mapag­lalaanan ng panahon ang sarili na talagang kailangan. Hindi maganda ang ginagawang sobrang pagpapagod. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Parusa sa sarili kung patuloy na magkikimkim ng sama ng loob sa taong nagpapakumbaba. Mala­king pag-asa kung magbabago. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream o white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malaki ang tiwala sa sarili. Makakaya ang lahat dahil angkin ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Nagbubunga ang pinaghirapan at hintayin na lamang ang paghinog para mapitas. Maganda ang takbo ng lahat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at cannary yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Huwag mag-alala dahil ang mahal ay mananatiling tapat. Kung may gustong sabihin, huwag mangi­ming magsalita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ilang pagbabago ang makapagpapalito sa isipan. Simulan pag-aralan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at beige.

Show comments