^

Kutob

Enero 24, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang naitatago sa mata ng marami ay lantaran sa mata ng Dios, kaya magtiwala sa Kanya sa halip na mag-alala.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may makakasagupa na walang paggalang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago ng masamang ugali para matamo ang paggalang at respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa. Kung babaguhin ngayon, may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at violet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Aksiyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Maaa­ring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad aaksyunan. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataong darating dahil hindi na babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavander.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Dahil sa kasiglahan, magagampanan ang gawain ng buong husay at walang sagabal. Iwasan ang paanyaya para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Huwag maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 33 at indigo.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alam ng sarili ang masamang ugali, kung babaguhin tiyak magbabago rin ang takbo ng buhay. Uunlad. Maging totoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27, 34 at jade green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Kung inaakalang marami ang magagawa ngayon, nagkakamali dahil ang katamaran ay siyang maghahari na dapat paglabanan. Magiging maikli ang pasensiya na siyang magiging dahilan para madaling magalit at maging bugnutin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 33, 34 at yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magandang gantimpala ang tatanggapin sa nagawang kabutihan. Sa nagawan ng masama, ito rin ang mararanasan. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali para pagpalain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at white.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag magmukmok at huwag maging emosyonal dahil walang mangyayari. Maging kalma at mahinahon, isipin ang magandang solusyon at tiyak makakahagilap ng magandang paraan. Kung kikilos kaagad at walang oras na sasayangin, positibo ang magiging resulta sa binabalak. Lucky numbers at color for the dy ay 4, 18, 36, 43 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maging alerto sa gagawin. Kung may pangako, tiyak na maisasakatuparan. Huwag magbakasakali dahil negatibo ang resulta. Iwasan ang mga salita na makakasakit ng damdamin ng kapwa dahil magiging sensitibo ang mga taong makakausap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 30, 39 at beige. 

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung ang hangad ay tagumpay gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino para tahakin ang tamang landas ng kaunlaran. Walang tagumpay na matatamo kung hanggang sa pag-iisip lamang sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 26, 37 at white or dirty white.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawin. Kung pag-uukulan ng kahit kaunting panahon sa pag-iisip may kalutasan ng suliranin. Dapat paglabanan ang pagkatamad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 26, 36 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung tamlay ng katawan ang mararamdaman, paniningil lamang ng pag-abuso o pagbabalewalang ginawa sa kalusugan. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagampanan o magagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Iwasan ang magpatanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram ng anumang bagay sa dapit-hapon dahil hindi maisasauli. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at beige.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with