Setyembre 17, 2014

Pagtitibay:  Hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng Dios ang magaganap sa akin.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Masaya ang araw at walang dahilan para magalit o magkaroon ng kapalpakan. Maaliwalas ang pakiramdam at dahil dito tambakan man ng trabaho ay mairaraos. May panahon sa sosyalan at malamang makatagpo ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 28, 39 at gray.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasan gawin dahil walang mapapala. Kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mang­yayari. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 39, 42 at red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – May pa­buya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag nang magkumento para hindi magatungan at lalong sisik­lab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 29, 38 at avocado green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Tiyakin na ang inihain sa hapag-kainan ay nanggaling sa malinis at marangal na paraan dahil kawawa ang pamilya na madadamay sa masamang kagagawan. Hangga’t may panahon, magbago bago mahuli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 29, 33 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, wala kang magagawa dahil dadalaw ito sa iyo ngayon. Kung may ginagawa, aantukin at aabutin ng tamad. Paglabanan para walang panghinayangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 23, 41 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maraming naiing­git sa iyo dahil sa iyong kabaitan at pagkauliran. Kahit anong kabutihan ang iyong gagawin mayroon pa ring magagalit dahil sa inggit. Huwag magtiwala sa kahit kanino, maliban sa sarili dahil may magtatraydor at ang masaklap ay napakalapit nito sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 25, 39, 43 at blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung maganda at malinis ang pakay, ituloy dahil maganda ang magiging bunga. Kung masama at hindi makatao ang pakay, huwag gawin dahil tiyak mabubuko, pagdurusahan ito at pagsisi­sihan. Iwaglit ang masama at gawin ang mabuti. Lucky num­bers at color for the day ay 10, 24, 31, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Malakas ang udyok sa iyo ngayon, na mahihirapan kang tumanggi. Kung magpapadala, talo ka at pagsisisihan sa darating na araw. Upang hindi mapahamak, ang lahat nang imungkahi, iutos, ipagawa ay pag-isipan ng mabuti bago gawin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 36, 38 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung palaging magulo ang relasyon ng magkasintahan at walang katahimikan, hangga’t maaga putulin na. Huwag mag-alala dahil may darating na magiging maligaya ka. Lucky numbers at color for day ay 3, 10, 26, 37 at jade green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung mabulyawan o makagalitan, huwag isisi sa iba dahil ikaw ang may kagagawan. Ang pangyayari ngayon ay magsisilbing aral na hindi mauulit muli sa ibang pagkakataon. Pag-aralan muna ng mabuti ang mga bagay bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Walang hindi nag­ha­hangad ng kaunlaran ngunit ang kasalukuyang plano ay dapat ipagpaliban. Kung ang plano ay napag-aralan, repasuhing muli ng ilang ulit para makatiyak sa tagumpay. Alamin muna ang puno’t dulo, labas at loob para hindi magsisi bago gawin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 22, 34 at ruby red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag magtaka sa ginawa sa iyo dahil ‘yun din ang iyong ginagawa sa iba. Ang pangyayari ay law of karma at nagbabayad ka lamang sa hindi maganda o magandang ginawa. Huwag mag-alala may mga magandang bagay ka rin na makakamit dahil may nagawa ka rin na maganda. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

 

Show comments