Agosto 15, 2014

Pagtitibay:  Laging pinakamabuti ang hangad ng Dios para sa akin.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Pagkatapos ng ilang linggong pag-aalala tungkol sa aspetong pinansiyal, magpakasaya ka ngayon na tanggapin ang trabahong inaayawan noong una. Humingi ng payo sa isang taong bukod sa mapagkakatiwalaan ay matalino pa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 26, 30, 39 at yellow.    

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Isang simpleng komento ay pagmumulan ng gulo sa pagitan mo at sa mga kasamahan. Mabibigyan ng solusyon ang problema sa negosyo. Tutukan at huwag iwanan ang mga plano, daan ito patungo sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 31, 43 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mainam na araw para sa pakikipagkomunikasyon at pagbibiyaheng may kinalaman sa paghahanap-­buhay. Mas masuwerte ka ngayon sa mga usaping pampuso. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 37, 39 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yebre 22) – Pag-aralan na asika­suhin ang mga makabuluhang bagay at huwag ang mga bagay na alam mong makakasira rito. Magiging masaya ang maghapon kahit kapos sa pera. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 29, 36 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Lahat ng hadlang ay malulusutan mo. Huwag kalimutan ang Maykapal sa mga biyayang natatanggap. Sa gabi, malamang bisitahin ang isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 28, 39 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ihanda ang sarili sa isang mahalagang isyu na tatalakayin sa trabaho. May darating na tagumpay sa iyong personal na buhay. Iwasan ang makipagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 22, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag matakot sa darating na pagsubok. Kakayanin mo ito kung hihingi ka ng tulong sa isang taong malapit sa iyo. Iwasan ang pagdududa sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz. 

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magpapasya ka ngayong humingi ng tulong sa isang kamag-anak. Kailangan talagang makatikim ng pagkatalo nang sa gayon ay lubos na pahalagahan ang darating na tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 19, 37 at violet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang isip mo ngayon ay nakatuon sa pinaplanong negosyo. Kung wala namang problema sa kasalukuyang hanapbuhay, manatili muna rito. Suriing mabuti ang gawain o dapat gawin para maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 24, 35 at yellow. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May matatanggap na hindi magandang balita na ikakalungkot mo. Maaaring ito’y ukol sa trabaho o sa pag-aaral. Masaya ka dahil may isang tao ang dadamay at magpapasaya sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 28, 39 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maging maingat. Huwag magtiwala lalo na kung may duda. Ipinapayong bigyan ng atensiyon ang isang kaanak. Ikaw ay kanyang kaila­ngan dahil ikaw lang ang makakatulong sa taong ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 14, 19 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Tamang araw para isakatuparan ang isang plano. Huwag pag­takhan ang inaalok na tulong ng iyong ate o kaibigan. Huwag magpanggap na ikaw ay mayaman dahil ang tunay na kaibigan ay tatanggapin ka kung ano ka man. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 31 at 36 pink.

Show comments