Hulyo 24, 2014

Pagtitibay: Ang kalakasan ko  ay iniaasa ko sa Dios.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tama ka sa gagawing desisyon kung ang hangad ay sa kabutihan. Pero kung ang desisyon ay sa kasamaan, huwag ituloy dahil sarili ang mapapahamak. Lahat ng positibong iniisip ay magbubunga ng maganda. Lucky numbers at color for the day ay 12, 27, 30, 42 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ma­ganda ang mga plano ngunit dapat ipagpaliban na gawin ngayon, dahil lamang ang kapalpakan kaysa maging matagumpay. Ipagpaliban ang transaksyon dahil walang ibubungang mabuti. Ipagpaliban ang lalakarin. Mag-relax. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 35, 37 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mala­king tulong ang magagawa ng iyong payo dahil maliliwanagan ang maling akala ng mapagpapayuhan. Huwag tanggihan ang taong lalapit na kailangan­ ang iyong tulong kung kayang ibigay. Sundin ang kutob dahil hindi ka magkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 39 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magda­da­lawang-isip ka sa iyong gagawin. Huwag basta sugod nang sugod na hindi tiyak ang mangyayari. Mahalaga ang kaligtasan ng sariling kapakanan kaysa iba. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 27, 40 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung nagdadalawang-isip ka sa gagawin, huwag ituloy dahil babala ng kapahamakan. Kung tiyak ang sarili, ituloy dahil naghihintay ang tagumpay. Malaki ang pagkakataong makagawa ng bagay na hahangaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 33, 40 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Normal na may suliranin ang tao ngunit kung hindi naiisip kung papaano ang solusyon, kumunsulta sa naka­kaalam. Sa iyong suliranin, kailangan mo ang tulong ng iba. Huwag maging emosyonal dahil lalo lamang pahihirapan ang sarili. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 21, 26, 39, 41 at brown. 

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Matamis ang ano mang tagumpay kung ito ay dumaan sa pagsisikap. Magsunog ng kilay kung hangad na magtagumpay sa pagkuha ng pagsusulit. Kung hangad ang tagumpay, sariling sikap ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 33, 40 at bold yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Kung ano ang ma­kikita at maririnig, sarilihin dahil pagsinabi sa iba ay magiging mitsa ng gulo na ang principal na  sangkot ay ikaw. Itikom ang bibig para walang mangyaring gulo na ikaw ang pagmumulan. Maraming salita, malaki ang kama­lian; kaunti ang salita, maliit ang kamalian; walang salita, walang kamalian. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 34, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang mga daliri kailan man ay hindi pantay. Gayundin ang tao, walang magkasing tulad. Ang iyong nalalaman ay hindi alam ng iba at ang alam ng iba ay hindi mo alam. Huwag magsalita ng bobo laban sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 41, 44 at neon green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung sagana ka nga­yon, maglaan dahil may kakaharapin kang paggastos na hindi inaasahan. Kung hirap ka ngayon, huwag mawalan ng pag-asa. Basta’t magsipag at magtiyaga may ginhawa ganoon ang gulong ng palad. Minsan nasa ilalim at minsan nasa ibabaw. Lucky numbers at color for the day ay 20, 39, 40, 42 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Nasa tamang landas ka ng kaunlaran kung itutuloy ang iyong mga balak. Huwag nang magdalawang-isip dahil nasa unahan ang tagumpay. Simulan ang pagkilos at paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 32, 33 at red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Wala kang dapat alalahanin dahil halos lahat ay tatakbong matiwasay. Kung may kaunting problema na lilitaw, madaling maaayos. Kailangan ng katawan ang pagpapahinga, maaaring mapaglaanan ng panahon para magkaroon ng panibagong enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 22, 25, 33, 39 at green.

Show comments