^

Dr. Love

‘Sir Raket’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

“Sir Raket” kung tawagin ng mga kasamahan niya ang mister ko, dahil talagang masipag siya. Bukod sa regular na trabaho na pagdya-janitor, tagapagluto siya sa isang restobar na malapit sa’min. Iba pa ang paluto service niya kapag may mga okasyon.

Pero simula nang maaksidente siya, nawala lahat ng kanyang sideline. Nahulog siya sa puno ng mangga nang puputulin niya sana ang sanga nito. Nabalian siya ng buto sa braso at tumama ang ulo niya, na muntik na niyang ikamatay. Dito na nagsimula ang kalbaryo ko.

Gayunman, nagpapasalamat pa ako dahil kahit naka-wheelchair ay productive ang mister ko. Tinuturo niya sa akin ang mga sikreto niyang pampalasa sa pagluluto kaya nakakaraket pa rin kahit papaano.

Maraming salamat po.

Marsha

Dear Marsha,

Mapalad ka dahil biniyayaan ka ng isang mabait at responsableng asawa. Talagang mapapa- “sana all!” na lang ang ibang misis.

Pinakita ng mister mo kung gaano niya kayo kamahal.

Ngayon, pagkaka-taon mo na ibalik ito sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

RAKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with