Gustong ibalik ang dati
(Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Bagong taon na naman pero naghihintay pa rin ako at umaasa na magkabalikan kami ng dati kong live-in partner, dahil handa na akong pakasalan siya ngayon.

Nagkalabuan kami ni Gigi last new year. Nagpasya kaming magkanya-kanya na ng buhay para matiyak namin kung dapat pa bang ipagpatuloy ang aming relasyon na walang commitment na magpakasal o hindi na.

Nagkasundo kaming maghiwalay ng tirahan pero mananatiling magkaibigan, walang selosan, walang pakialamanan sa magiging love life na naghihintay sa amin.

Pero unti-unti ay nami-miss ko siya, nasasaktan din ako nang makita ko siyang may ibang kasama at masayang-masaya siya.  Na-realize ko po na mahal ko siya at siya ang babaeng gusto kong magkasama sa pagbuo ng pamilya.

Tinawagan ko po siya at inayang mag-celebrate sa bagong bili kong bahay. Pero tumanggi siya. Sinabi niyang kailangan niya raw pag-isipan ng mabuti bago gumawa ng anumang desisyon. Nasaktan po ako sa reaksiyon niya.

Sa palagay po ba ninyo may pag-asa pang magkabalikan kami ng best friend at dati kong lo­ver?  Ano po ang dapat kong gawin para mabawi ang dati niyang pagtingin sa akin? Ngayon ko po nararamdaman na mahal ko siya, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang sweetheart.

Payuhan mo po ako sa dapat kong gawin.

Gumagalang,

Arnold

Dear Arnold,

Subukan mong simulan ng tama ang panu­nuyo sa kanya. Ligawan mo siya, ‘yan ay kung wala pa rin siyang boyfriend hanggang ngayon. Pero kung sakaling magtugma ang lahat para sa inyo, huwag mo nang palampasin ang pagkakataon na pagtapat sa kanya ang feelings mo.

Sakaling hindi pa rin pumabor sa’yo ang sitwasyon, atleast wala kang pagsisisihan dahil sinubukan mong ma-recover ang relasyon. Sa pagkakataong ito, kailangan mo nang mag-move on.

DR. LOVE

 

ACIRC ANG ANO DEAR ARNOLD DR. LOVE GIGI GUMAGALANG KONG PERO SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with