^

Dr. Love

Isang gabing kasalanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marahil, maituturing mong kakaiba ang aking kasaysayan.

Tawagin mo na lang ako sa aking first name na Ricky, 25 anyos at may asawa.

Noong isang taon, buwan ng September, may nakasabay ako sa bus na magandang babae. Tingin ko’y empleyada dahil sa suot na uniporme.

Tingin ako nang tingin sa kanya habang kami’y magkatabi. Nang napansin niya ito, tumingin din siya sa akin at ngumiti.

Wala kaming kibuan. Matrapik noon dahil rush hour at kumakagat na ang dilim. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa backrest ng upuan sa aming harapan. Una’y idinaiti ko lang at hindi siya kumikibo hanggang sa tuluyan ko nang hinawakan ito.  Nagpakilala ako sa kanya sa ibang pangalan pero nang tanungin ko ang ngalan niya ay ayaw niyang sabihin.

Sabi niya, mas mabuting hindi kami magkakilala. Pero nang yayain ko siyang magmeryenda sa isang fast food ay pumayag siya at doon ako naglakas loob na yayain siyang mag-motel. Una’y napahalakhak siya pero pumayag.

Hanggang sa matapos ang aming one night affair ay hindi ko siya mapilit na sabihin ang pangalan niya. Nagkanya-kanya kami ng uwi. Hindi siya humingi ng bayad. Basta ang sabi niya ay salamat at napaligaya ko siya.

Sa tuwing umuuwi ako galing sa office ay naiisip ko ‘yon at lihim akong nagwi-wish na makita ko siya pero hindi ko na siya nakita.

Ang problema ko’y lagi ko siyang iniisip. Paano siya mawawala sa isip ko?     

Ricky

Dear Ricky,

Ang nalalaman ko ngayo’y nagtaksil ka sa iyong asawa kaya pagsisihan mo iyan.

Huwag mo na ring hangaring makatagpo ang babaeng iyon dahil hindi ka lang nagkakasala sa misis mo kundi gayundin at higit sa lahat sa Diyos.

Burahin mo na rin sa isip ang mga alaalang iyan para huwag mo nang hangaring maulit pa.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BURAHIN

DEAR RICKY

DIYOS

DR. LOVE

RICKY

SIYA

TINGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with