‘Mahilig’

Dear Dr. Love,

Nakakahiya ang problema ko kaya itago­ mo na lang ako sa alyas na Mr. Suave.

May asawa na ako at dalawang anak, at ang problema ko ay hindi ko maiwasan ang pagka-“hilig”. Lalo na kapag naka­ka­kita ako ng magagandang babae, pi­nag­papantasyahan ko agad ‘yun.

Kapag nakikipagtalik ako sa misis ko ay ang babaeng kursunada ko ang laman ng aking isip. Abnormal ba ito o kasalanan? Paano ko maiwawaglit sa aking sarili ang damdamin kong ganito?

Mr. Suave

Dear Mr. Suave,

Hindi ka nagkakasala sa batas ng tao kundi nagkakasala ka sa sarili mo at unfair ‘yan sa asawa mo. Katumbas na rin iyan ng pagtataksil.

 Manalangin ka lagi at magbulay sa Sa­lita ng Diyos para maiwaksi sa iyong isip ang mga bagay na makamundo. Kung hihingi ka ng patnubay ng Diyos at taimtim ang iyong panalangin, papatnubayan ka Niya.

Dr. Love

 

 

 

                                                                                                                                                                                        

Show comments