^

Bansa

Bulkang Mayon sumabog!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon sumabog!
Photographer Nehemiah Manzanilla Sitiar captured Mayon Volcano’s glowing crater from Malabog, Daraga, Albay on January 9, 2026 around 10PM.
Photo courtesy of Nehemiah Manzanilla Sitiar

MANILA, Philippines — Sumabog ang Bulkang Mayon sa Bicol kasunod ng patuloy na Uson o pyroclastic Density currents (PDCs) ­simula alas-5:35 ng hapon kahapon, May 2.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs), partikular na apektado ng Uson ang Barangay Anoling, Camalig, Albay.

Ang Uson ay isang deadly PDCs na may mabilis, mainit na paglabas ng gas, abo at rock fragments na dumadaloy pababa sa dalisdis ng bulkan na maaaring ikamatay ng isang tao kung malapitan ang contact nito at mabagal na lava flows.

Alas-5:38 ng hapon kahapon naganap ang dense volcanic plumes sa may Barangay 4 sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan, Albay makaraan ang naganap na matinding pagbagsak ng lava mula sa bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, ang pagdaloy ng lava ay namataan sa mga dalisdis ng bulkan sa may Basud, Bonga at Mi-isi.

Nagtala rin ang bulkan ng 39 volcanic quakes, 21 volcanic tremors at 376 Rockfall events. Nagluwa rin ang bulkan ng 2,147 tonelada ng asupre mula sa bunganga at katamtamang ­pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran, kanluran-hilagang kanluran at kanluran.

Nagkakaroon din ng panandaliang pag-impis ng bulkan na may nagsisimulang pamamaga sa hilagang-silangang bahagi nito.

Nananatili nasa Alert level 3 ang Mayon.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with