^

Bansa

‘Henry’ nagbabantang manalasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Henry’ nagbabantang manalasa
Pedestrians shield themselves with umbrellas following heavy rain and strong winds in Quezon City on June 29, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang nagbabantang maging bagyo sa susunod na 24 oras at tatawaging Henry.

Ang naturang LPA ay namataan ng PAGASA sa layong 390 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar na nagdadala ng mga pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Central at Eastern Visayas at northern Caraga.

Kahapon, dumaan ang LPA sa may Visayas-Southern Luzon area at inaasahang ngayong Martes, Hunyo 30 ay lalapit ito sa may West Philippine Sea at palalakasin ng Habagat.

Dulot nito maulan sa Bicol, MIMAROPA, Eastern Visayas at bahagi ng Caraga gayundin sa Central Luzon, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Visayas at western at northern sections ng Mindanao.

Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang bahagi ng MIMAROPA sa Miyerkules, Hulyo 1 at Huwebes, Hulyo 2 dahil sa epekto ng Habagat.

Sa Metro Manila, maulan mula ngayong Martes hanggang Biyernes dahil sa natu­rang mga weather disturbance.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with