^

Bansa

ICC binanggit si ‘Dela Rosa’ sa kaso vs Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binanggit ng mga pro­secutor ng ­International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ang pangalan nina Sen. Ronald dela Rosa at dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II sa “pre-confirmation brief” na nagpapaliwanag sa mga partikular na kaso laban sa nakakulong na da­ting pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman hindi binanggit ang unang pangalan (first name) ng dalawa, sila lamang ang mga pinangalanang opisyal na naging bahagi ng administrasyon ng dating pangulo.

Ipinaliwanag ng ­briefer na si Duterte ay nahaharap sa tatlong bilang ng pagpatay at tangkang pagpatay bilang mga krimen laban sa sangkatauhan.

Samantala, sinabi ni Atty. Kristina Conti, isa sa mga abugado na nagdala ng kaso sa ICC, ang pagbanggit lamang sa pangalan ng dalawang pangunahing opisyal sa malupit na policy laban sa ilegal na droga ay indikasyon ng kanilang naging papel sa mga nangyaring pagpatay.

Binanggit sa briefer na nangako si Dela Rosa, ilang linggo bago manungkulan si Duterte, na “agad-agad na palakihin” ang modelo ng Davao ng drug war na may banta na:

“If someone fights back, they’ll die. If nobody fights back, we’ll make them fight back.”

Si Aguirre naman ay nabanggit dahil sa kanya umanong statement na “the new administration’s ‘programme’ was ‘to do everything to stop drugs, crimes, and corruption’—‘we will choose to kill these drug lords.”

Napaulat na itinanggi ni Aguirre ang nabanggit na statement.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Dela Rosa tungkol sa pagkakabanggit sa kanya sa dokumento ng ICC.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with