Panoorin: Chiz sa senator-judges: Impeachment-related issues lang sa trial
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Sen. Chiz Escudero, bilang presiding officer ng impeachment court, ang mga senator-judges na sa regular session ng Senado na lamang talakayin ang mga usaping walang kaugnayan sa trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos magsalita si Sen. Robin Padilla tungkol sa reklamong isinampa laban sa kanya.
Sinabi ni Padilla na nakapagsumite na siya ng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman kaugnay ng alegasyong tinulungan umano niya si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto.
Kasunod nito, muling iginiit ni Escudero na dapat manatiling nakatuon ang impeachment court sa mga isyung may kaugnayan lamang sa paglilitis.
Aniya, maaaring talakayin ang ibang usapin sa regular session ng Senado, ngunit hindi sa proceedings ng impeachment court.
- Latest


























