Pagbabalik Pinas ni Teves abutin pa ng 40 araw - NBI

This photo shows a picture of expelled lawmaker Arnolfo Teves Jr. being arrested by Timor-Leste law enforcement in Dili, East Timor.
Polícia Científica e de Investigação Criminal / Facebook

MANILA, Philippines — Matatagalan pa bago makabalik sa bansa si da­ting Congressman Arnulfo Teves, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) batay sa ginawang pagtiyak sa Philippine contingent ng Timor Leste makaraang mahuli si Teves.

Sinabi ni NBI director Medardo de Lemos na malamang na may pito hanggang 40 araw pa ang bibilangin bago makabalaik sa bansa si Teves.

“Sabi nila they will terminate the proceedings within the period of seven days to 40 days maximum,” ayon kay De Lemos.

Anya, nasa proseso pa rin ng pagtukoy ng  mga opisyal ng Timor Leste sa mga merito ng red notice na inilabas laban kay Teves at makaraan nito ay sila na ang magdedesisyon sa susunod na hakbang na gagawin hinggil dito.

Maayos naman umano ang kundisyon ng kalusugan ni Teves nang mahuli ng mga awtoridad ng Timor Leste.

Anya, kusang-loob na nakipag-usap si Teves sa NBI contingent, kabilang ang pagpayag na kunan siya ng litrato. Namagitan din ang defense team ni Teves para igiit ang kanyang kahilingan para sa political asylum para hadlangan ang kanyang pag­lipat pabalik sa Pilipinas.

Si Teves na naaresto sa Top Golf Driving Range and Bar sa Dili, Timor-Leste noong nakaraang Huwebes ang inaakusahang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4, 2023.

Show comments