Signal no. 1 itinaas sa 4 lugar sa Cagayan Valley buhat ng Tropical Storm Goring

Ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA, namataan ang sentro ng Tropical Storm Goring 220 kilometro silangan timogsilangan ng Basco, Batanes 4 a.m. nitong Biyernes.
RAMMB

MANILA, Philippines (Updated 1 p.m.) — Patuloy sa paglakas ang bagyong "Goring" habang kumikilos ito patimog timogkaanluran, ayon sa pinakahuling taya ng state weather bureau ngayong Biyernes.

Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng Tropical Storm Goring 225 kilometro silangan timogsilangan ng Basco, Batanes bandang 10 a.m. ngayong araw.

  • Lakas ng hangin: 85 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 105 kilometro kada oras
  • Pagkilos: mabagal
  • Direksyon: patimogkanluran

"Due to highly favorable environment, Goring is forecast to rapidly intensify and may reach typhoon category by tomorrow," wika ng state weather bureau kanina.

"It may reach its peak intensity on Sunday evening, after which it is forecast to maintain strength until the end of the forecast period. The potential for developing into a super typhoon is not ruled out."

Kaugnay ng bagyo, inaasahan ang pagkaipon ng nasa 50 hanggang 100 millimeter ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagangsilangang bahagi mainland Cagayan ngayong araw.

Posibleng mas mataas ang mga mangyayaring pag-ulan sa mga matataas at mabubundok na lugar.

Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang bahagi ng bansa, bagay na maaaring magdala ng "minimal to minor" na banta sa buhay at ari-arian dulot ng malalakas na hangin.

Signal no. 1

  • Batanes
  • silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.)
  • silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
  • silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City) 

Hanging habagat

"The southwest monsoon will be enhanced by Goring and bring occasional rains over the western portions of Central Luzon and Southern Luzon beginning tomorrow, and over the western portion of Visayas beginning on Sunday," dagdag pa ng PAGASA.

Patuloy na magdadala ang pinalakas na Hanging Habagat ng mahanging kondisyon sa mga sumusunod na walang wind signals bukas, lalo na sa mga baybayin at mabubundok na lugar: Aurora, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Dinagat Islands, malaking bahagi ng MIMAROPA at Visayas.

Tinatayang kikilos ang bagyong "Goring" patimog timogkanluran o patimog sa ibabaw ng silangan ng Northern Luzon hanggang Sabado ng umaga, hanggang sa pumihit ito patungong timogsilangan bukas hanggang Linggo.

Show comments