^

Bansa

Mga may-ari ng tanker sa Mindoro oil spill, kinasuhan na ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga may-ari ng tanker sa Mindoro oil spill, kinasuhan na ng NBI
This photo release from the Philippine Coast Guard on March 8 shows an oil spill boom being placed in the waters of Oriental Mindoro.
Philippine Coast Guard release

MANILA, Philippines — Sinampahan ng mga kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng oil tanker na MT Princess Empress na dahilan ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro makaraang lumubog ito noong Pebrero.

Mga kasong falsification of public documents at perjury ang isinampa ng NBI-Environmental Crime Division sa 35 na respondents kabilang ang mga opisyal ng RDC Reield Marine Services, ang kumpanya na may-ari ng tanker; ilang opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na kabilang sa mga complainant sa kaso si Pola Mayor Jennifer Cruz.

Naisampa ang mga kaso matapos ang tatlong buwan mula nang lumubog ang tanker noong Pebrero 28. Ikinatwiran ni Clavano na mas pinili nilang tumutok muna ang gobyerno sa clean-up efforts bago ang paghahain ng mga kaso.

Binubuo na rin ng NBI ang mga kaso ukol sa environmental crimes maging ‘graft and corruption’ sa iba’t ibang respondents na posibleng maisampa sa mga dara­ting na linggo.

Kinasuhan ng falsification ang pitong incorporators at directors ng RDC Reield Marine Services, anim na tripulante ng MT Princess Empress, at 19 tauhan ng PCG na mga iba’t ibang ranggo.

Sa naturang reklamo, pineke umano ang Certificate of Public Convenience ng tanker. Iniisyu ang naturang dokumento ng MARINA.

Isa pang kaso ng falsification ang inihain laban sa dalawang opisyal ng MARINA at dalawang opisyal ng naturang kumpanya dahil sa pagsasab­watan umano na iligal na mairehistro ang MT Princess Empress gamit ang mga palsipikadong dokumento tulad ng constructdion certification, tonnage measurement certificate, certificate of ownership at certificate of Philippine registry.

Isang kasong perjury naman ang isinampa sa dalawa pang opisyal ng RDC dahil sa pagpapalabas ng mga supporting documents na ginamit sa pagkuha ng tonnage measurement certificate.

vuukle comment

DOJ

MARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with