29 percent Pinoy, gumanda ang buhay

Stock photo of Consumers in Market.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — May 29 percent lang ng mga Pinoy adult ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang buhay sa ngayon kumpara sa nagdaang taon, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Gayunman, 25 percent naman ang nagsabing ang kalidad ng kanilang buhay ay lumala habang 46% ang walang nagbago sa kanilang buhay.

Ginawa ang survey noong March 26-29, 2023 na nagresulta ng net gainers score na +5, na ayon sa SWS ay “high”. Mababa naman ito ng tatlong puntos sa high +8  noong December 2022. Mas mababa rin ito ng 13 points sa pre-pandemic level na very high +18 noong December 2019.

Sa usapin ng kagutuman, 9.8% ng pamilyang Pinoy o 2.7 milyon ang nakaranas ng involuntary hunger ng isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Nangangahulugan ito na sila ay nagugutom at walang makain.

Sa self-rated poor,  51% pamilya ang nagsabing sila ay mahirap, 30% ang nasa “borderline;” at 19% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang March 2023 SWS poll ay isinagawa ng face-to-face interviews sa 1,200 adults nationwide.

Show comments