^

Bansa

DICT: Magrehistro na ng SIM cards!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DICT: Magrehistro na ng SIM cards!
Subscriber identity module (SIM) cards.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Patuloy na nananawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga mobile subscribers na magrehistro na ng kanilang mga SIM cards, bunsod na rin nang papalapit na deadline nito sa Abril 26, 2023.

Sa pinakahuling datos mula sa public telecommunication entities (PTEs), nabatid na hanggang nitong Marso 29, 2023 ay nasa kabuuang 54,090,725 pa lamang o 32.01% ng kabuuang 168,977,773 milyong subscribers nationwide ang nakapagrehistro ng kanilang SIM cards.

Sa naturang bilang, ang Smart Communications Inc. ang nakapagtala ng pinakamaraming nagrehistrong subscribers na nasa 27,560,557; sumunod ang Globe Telecom Inc. na may 22,406,104 registered subscri­bers; at panghuli ang DITO Telecommunity Corp. na may 4,124,064 naman.

Nagbabala rin ang DICT sa mga subscribers na otomatikong made-deactivate ang kanilang mga SIM cards kung hindi mairerehistro ang mga ito hanggang sa Abril 26.

Una nang sinabi ng DICT na plano nitong palawigin ang deadline para sa SIM card registration.

Ang mga Smart subscribers ay maaaring magrehistro sa smart.com.ph/simreg o simreg.smart.com.ph; sa Globe subscribers ay maaaring mag-register sa new.globe.com.ph/simreg habang ang DITO subscribers ay sa https://digital.dito.ph/pto/download/app.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with