^

Bansa

Bong Go: Sea vessels tiyaking maayos, ligtas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat ay tiyaking maa­yos at ligtas ang mga sasakyang pandagat bago maglayag sa karagatan upang maiwasan ang mga tulad ng oil spill sa Oriental Mindoro at pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan na ikinamatay ng 31 pasahero.

Hinimok ni Senator Go ang Department of Transportation, Maritime Industry Authority at iba pang kinauukulang ahensya na magpatupad ng mahigpit na pamantayan para sa mga sasakyang pandagat.

“Kung sino man po ang nagre-regulate ng mga barko, mga vessel, MARINA, Coast Guard, atbp., higpitang mabuti kung hanggang saan sila pwede na maglayag... Para hindi na maulit itong ganitong pangyayari. Laking pinsala po ang ginawa ng oil spill sa Mindoro,” ani Go.

Naniniwala si Go na mahalagang higpitan ang mga regulasyon at tiyaking ligtas sa operasyon ang lahat ng barko.

Sinabi niya na ang mga ulat mula sa iba’t ibang ahensya ay dapat na magkakatugma para malaman ng mga awtoridad ang nangyari.

Ang ilan ay nagpahiwatig na ang MT Princess Empress na tumaob sa baybayin ng bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28 ay may kumpletong permit habang ang iba ay nagsasabing wala itong kaukulang dokumento.

Binigyang-diin din ni Go na dapat managot ang mga responsable sa oil spill sa kanilang mga aksyon.

Samantala, ang hindi tumpak na manifesto ay nagpapahirap sa mga awtoridad na magsagawa ng search, rescue, at retrieval operations sa MV Lady Mary Joy 3 na nasunog sa Basilan.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na may kabuuang 252 indibidwal ang naapektuhan ng sunog, kabilang ang 205 pasahero, 35 crew members, walong tauhan mula sa Army, at apat mula sa PCG.

Mayroong 216 nakaligtas at 31 katao ang namatay sa trahedya sa dagat, kabilang ang 11 na ang mga labi ay natukoy na (nalunod sa dagat), habang 18 (nasunog sa barko) ay nangangaila­ngan pa ng pagsusuri sa DNA. Pitong tao pa rin ang nawawala.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with