^

Bansa

Utang ng Pinas, lumobo sa P13.75 trilyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumobo pa sa P13.75 Trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang nitong pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Sa ulat ng Bureau of Treasury (BTr), ang P13.75 trillion ay mataas ng 0.4% mula sa P13.7 trillion nitong Enero.

Giit pa ng BTr, ang paglobo ng utang sa nasabing panahon ay dulot ng “net issuance of domestic securities”.

Para naman kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, ang malaking utang ay dulot ng pag-iisyu ng P288.711 billion na 5.5 taong Retail Treasury Bond noong Pebrero.

Ang mahalagang bahagi umano ng kabuuang utang o 68.7% ay mula sa domestic borrowing habang ang 31.3% ay mula sa labas.

Samantala bumaba naman ang foreign debt na nagkakahalaga ng P4.31 trillion mas mababa ng 0.1% mula sa P4.313 trillion kada buwan.

Paliwanag naman ng BOTr na ang mababang foreign borrowing sa nasabing panahon ay dahil sa P21.15 billion net payment ng foreign loans at P32.32 billion impact ng third currency adjustment kontra sa US dollar.

vuukle comment

BTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with