^

Bansa

Bahay ng utol ni Teves, ni-raid ng CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng utol ni Teves, ni-raid ng CIDG
This photo shows Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr.
Congressman Arnie A. Teves / Facebook

Mga armas, bala nakumpiska

MANILA, Philippines — Sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ng umaga ang bahay ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa Brgy. Caranoche in Sta. Catalina, Negros Oriental.

Wala ang dating kongresista sa kanyang bahay nang isagawa ang pagsalakay.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Executive Judge ng Mandaue City, sinabi ni CIDG legal officer PCol. Thomas Valmonte, na nakumpiska ang matataas na illegal firearms at ammunition na aabot sa 10 piraso.

“This operation is actually an implementation of a search warrant. This is for illegal possession of firearms...Nakapangalan po kasi ang compound kay Mr. Henry Pryde Teves,” ani Valmonte.

Si Pryde Henry ay kapatid ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na nasasangkot sa patayan sa Negros Oriental noong 2019.

Nabatid kay Valmonte na ang compound ay nagsisilbi ring sugar mill ng HDJ Bayawan Agri-Venture Corporation Tolong Compound.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Col. Jean Fajardo, may nagbigay sa kanila ng impormasyon na may itinatagong matataas na kalibre ng baril sa nasabing compound.

Isusumite naman ang mga nakumpiskang baril sa  Firearms and Explosives Office para i-check ang records ng PNP kung may hawak na LTOPF ang mga naaresto.

Binigyan diin ni Fajardo na kasama ang pangalan ni Pryde Henry sa application ng search warrant (SW) dahil ito ang tumatayong presidente ng korporasyon.

Bukod kay Henry Pryde Teves ay may mga ilan pang mga directors at officers nitong corporation ang kasama sa subject dito ng SW.

Dagdag pa ni Fajardo na karapatan ni Pamplona Mayor Janice Degamo na hingin sa Senado ang imbestigasyon.

vuukle comment

TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with