Marcos, Sara, Mayor Joy top government officials - RPMD

(From left) President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Vice President and Education Secretary Sara Duterte and Quezon City Mayor Joy Belmonte.
STAR/Ernie Penaredondo and Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng 77% approval at 83% trust ra­tings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang si Vice Pres. Sara Duterte ay nakakuha 75% approval at 81% trust ratings, base sa inilabas na “Boses ng Bayan-NCR” survey ng RPMD na isinagawa noong Feb. 25- March 8.

Mula Disyembre 2022 NCR poll, tumaas ng +4% at +5% ang performance scores ni PBBM at VP Duterte, ayon sa pagkakabanggit.

Sa National Capital Region (NCR), si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang may pinakamataas na performance rating sa lahat ng local chief executive sa 94%.

Statistically tied naman sa ikalawang pwesto sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Along Malapitan ng Caloocan, at John Rey Tiangco ng Navotas sa 91% ratings.

Nagtabla sa ika-3 sina Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano at Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. na may 90%; habang sina Makati Mayor Abigail Binay at Vico Sotto ng Pasig ay nasa ikaapat na kapwa may 87%, kasunod sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Imelda Aguilar ng Las Piñas na may 84%.

Sina Ruffy Biazon ng Muntinlupa (83%), Lani Cayetano ng Taguig (80%), Honey Lacuna ng Manila (80%), Wes Gatchalian ng Valenzuela City (78%), Eric Olivarez ng Parañaque (78%), Francis Zamora ng San Juan (75%) at Ike Ponce III ng Pateros (72%) ay nasa 6-10 puwesto.

Top NCR District Representatives naman sina Toby Tiangco (92.5%) ng Navotas City, Camille Villar (92.3%) ng Las Piñas City, at Oca Malapitan (92.1%) ng Caloocan City na tabla sa unang pwesto sa NCR.

Show comments