^

Bansa

2 pulis pina-contempt, kalaboso sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 pulis pina-contempt, kalaboso sa Senado
Ang dalawang PNP officers na pina-contempt at pinakulong sa Senado dahil sa hindi umano pagsasabi ng totoo kaugnay sa nakumpiskang shabu sa isang raid noong 2022.
Geremy Pintolo

Nagsinungaling sa nawalang 40K nasamsam na shabu

MANILA, Philippines — Pina-contempt at ipinakulong ng Senado ang dalawang pulis dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Humarap sa pagdinig sina Police Master Sergeants Jerwin Rebosora at Lorenzo Catarata kaugnay sa pagkakaaresto kay PMSgt. Rodolfo Mayo Jr., sa isang anti-drug operative na nahulihan ng 996 kilo o halos isang tonelada ng shabu sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

Sa naturang pagdinig, sinabi ni Police Major General Eliseo Cruz, PNP director for Investigation and Detection Management, na may nakuha silang CCTV footage na nagbibigay ng circumstancial evidence na may tatlong pulis na maaaring bumawas ng droga na nakuha kay Mayo.

Noong una ay naghinala umano sila na nabawasan ng 30 kilos ang shabu subalit ang naibalik sa kanila ay 40 kilos at nakuha ito sa isang sasakyan na inabandona sa harap ng opisina ng gusali ng public safety mutual benefit fund incorporated na harap lang ng Camp Crame sa Santolan road, Quezon City.

Nakita rin sa CCTV sa sasakyan na narekober ang shabu ang tatlong pulis na humuli kay Mayo na sina JImenez, Rebosora at Catarata.

Hindi naman duma­ting sa hearing si Jimenez dahil nagbitiw na, habang kinompronta naman nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Raffy Tulfo sina Catarata at Reborosa na kapwa itinanggi na sila ang nasa CCTV dahil nasa kainan lang sila malapit sa sasakyan.

Subalit nanindigan si Gen. Cruz na sila ang nasa CCTV footage kaya para kay Dela Rosa at Tulfo dapat silang ipa-contempt at ipakulong sa Senado.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with