^

Bansa

Petisyon ng 74 bata vs Dengvaxia, ibinasura ng SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Petisyon ng 74 bata vs Dengvaxia, ibinasura ng SC
Hinihiling nila sa SC na atasan ang gobyerno na ipakalat ng regular ang ulat ng nilikhang Task Force at ituro ang monitoring at pagsusuri sa “school-based immunization program” ng Dengvaxia saka isumite ito sa committees on health sa Kamara at Senado; at patuloy na pag-aaral sa kaligtasan at bisa ng Dengvaxia.
KJ Rosales / FIle

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng 74 na bata na umano’y naturukan ng bakunang Dengvaxia, na humihingi ng probisyon para sa libreng serbisyong medikal at gamutan.

Bukod sa 74 mga bata, kasama rin na naghain ng petisyon para sa “mandamus” ang Party-List group na Gabriela at Association for the Rights of Children in Southeast Asia (ARCSEA) laban sa DepEd, at DILG.

Iginiit ng mga petitio­ner na nabigo umano ang mga ahensya ng pamahalaan na maproteksyunan ang karapatan sa kalusugan ng mga bata na ginawa umanong “guinea pigs” sa eksperimento ng gob­yerno at ang Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng anti-­dengue vaccine.

Hinihiling nila sa SC na atasan ang gobyerno na ipakalat ng regular ang ulat ng nilikhang Task Force at ituro ang monitoring at pagsusuri sa “school-based immunization program” ng Dengvaxia saka isumite ito sa committees on health sa Kamara at Senado; at patuloy na pag-aaral sa kaligtasan at bisa ng Dengvaxia.

Nais din nila na lumikha ng talaan ng lahat ng nabakunahan ng Dengvaxia, bigyan sila ng libreng serbisyong medikal, monito­ring sa masamang epekto, bigyan ng libreng gamutan at pagpapaospital kung makararanas ang bata ng sakit at magsagawa ang gobyerno ng inisyal at libreng konsultasyon ng mga binakunahan sa lahat ng lugar na sakop ng vaccination program.

Sa desisyon na pino­nente ni Senior Associate Justice Marvic Leonen at isinapubliko nitong Pebrero 6, lalabag umano ang SC sa prinsipyo ng separasyon ng kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan kung pagbibigyan nila ang petition for mandamus. Wala rin umanong kapangyarihan ang SC para mapangibabawan ang executive department at mga ahensya nito.

vuukle comment

SC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with