^

Bansa

Naulila ni Ranara, bibigyan ng pabahay ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibigyan ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) ang nauilila ng pamilya ni Jullebee Ranara, ang OFW na pinatay sa Kuwait.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, tugon ito ng kanilang hanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng tulong ang pamilya ni Ranara.

Taos puso aniyang nakikiramay ang NHA sa pamilya ni Ranara.

Binisita ni NHA Officer-in-Charge Assistant Ge­neral Manager Ibañez, kasama si NCR-North Sector Regional Manager Ar. Luis Bacamante ang burol ni Ranara sa Las Piñas City.

Tiniyak ng NHA sa pamilya na magkakaloob ang kanilang hanay ng tulong pabahay kung saan man nais nilang lugar.

Magugunitang pinatay at ginahasa ang 35-anyos na si Ranara ng anak ng kanyang employer sa Kuwait.

Nagpasalamat naman ang ama ni Ranara na si Romy sa tulong ng NHA.

“Maraming-maraming salamat kasi malaking tulong po na ibibigay, kasi ‘pag pinaalis kami dito, wala ka­ming mapupuntahan,” pahayag ni Romy Ranara.

vuukle comment

NHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with