^

Bansa

Pagbibitiw ni Azurin ‘di tinanggap ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbibitiw ni Azurin âdi tinanggap ni Marcos
Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. submits his courtesy resignation at Camp Crame on Jan 5., 2023
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang courtesy resignation ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Benhur Abalos na nag-usap na sila ng Pa­ngulo at mananatili si Azurin bilang hepe ng PNP.

Nilinaw din ni Abalos na hindi na kasama si Azurin sa mga iimbestigahan sa illegal na droga dahil malinis umano ang rekord nito.

Bukod kay Azurin, kasama rin sa 5-man panel si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Ma­galong, at Office of the Presidential Adviser on Military Affairs’ Undersecretary Isagani Neres.

Hindi naman pinanga­lanan ni Abalos ang ikalimang miyembro ng advisory group alinsunod na rin sa kahilingan nito.

Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang 5-man panel na magrerepaso sa courtesy resignations ng mga PNP senior officers. — Mer Layson, Doris Borja

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with