^

Bansa

Pagdinig sa Maharlika Fund, gumulong na sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagdinig sa Maharlika Fund, gumulong na sa Senado
Senator Mark Villar, the chairman of the Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, presides over the first hearing on the Maharlika Investment Fund (MIF) on February 1, 2023.
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Senado ang pagdinig sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sinabi ni Senador Mark Villar, chairman ng ­Senate Committee on Banks and Financial ­Institution, na makakaasa ang publiko na sa mga gagawing pagdinig ay masusi nilang tatalakayin at liliwanagin ang mga isyu tungkol sa panukala.

Tiniyak rin ni Villar na hindi nila ito mamadaliin at bibigyan ng sapat na panahon at maglalabas ang Senado ng best version ng Maharlika Investment fund bill. Magiging bukas rin sila sa mga suhestyon, alternatibo at maaari rin lumahok ang publiko sa talakayan sa pamamagitan ng comment box para sa pagdinig.

Tatalakayin nila ang House Bill 6608 na inaprubahan ng Kamara at ang kanyang Senate bill 1670 na tungkol din sa Maharlika Investment Fund.

Samantala sa nasabing pagdinig, tinanong ni Villar si National Treasurer Rosalia de Leon kung mababawasan ang pangungutang ng bansa sa panukalang MIF.

Sagot ni de Leon, sa MIF magtitipon ng investible fund mula sa mga ahensiya at financial institutions ng gobyerno at inaasahan na dito rin papasok ang pondong mula sa pribadong sektor.

Ang maiipon sa MIF ay magagamit sa mga infrastructure projects na karaniwang ipinangungutang ng pamahalaan.

Nilinaw pa ni de Leon na magkakaroon ng inisyal na kapital ang MIF mula sa Land Bank of the Philippines na P50 bilyon at P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Maliit na bahagi lamang umano ito ng P1.33 Trillion na investible fund ng Land Bank at P800 bilyon investible fund ng DBP.

Magiging bahagi rin umano ng kapital ng MIF ay mula sa PAGCOR, royalties at iba pang special assessments sa natural resources, pagsasapribado ng government assets at mga pangungutang.

vuukle comment

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with