^

Bansa

Pangalan ng solon inalis sa House members

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ng paliwanag si Congressman-elect Romero Jalosjos Jr. sa House Legal Affairs Department kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik ang kanyang pangalan sa listahan ng miyembro ng Mababang Kapulungan.

Matatandaang, ipinokramang panalo si Jalosjos bilang Kongresista ng Zamboanga Del Norte ng Commission on Elections (Comelec), ngunit ilang araw matapos magbukas ang 19th Congress ay inalis ang kanyang pagiging miyembro.

Sa sulat na ipinadala ni Jalosjos kay Deputy Secretary General Atty. Annalou S. Nachura, humihingi ito ng paliwanag sa pagkakatanggal ng kanyang pangalan.

Noong nakaraang taon ay nagsalita rin si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pagkakatanggal ng pangalan ni Jalosjos at isang buwan na nakalipas ay wala pa ring aksyon ng departamento.

Iginigiit ni Jalosjos na siya ang tunay na nanalo sa eleksiyon kung kaya nararapat lang na maging bahagi siya ng Kamara.

Sa kanyang parliamentary inquiry, sinabi ni Barbers na base sa Sec.16, paragraph 3 ng Constitution, ang 2/3 ng miyembro ng House ang may karapatang magsuspindi ng miyembro.

Gayundin, base sa  Sec, 4 ng House Rules ang nanalong miyembro at idineklarang panalo ng Comelec ay magsisimulang manungkulan simula June 30. Nakapanumpa na rin si Jalosjos at nagsimula ang termino noong June 30.

Kinuwestiyon din ni Barbers kung tama ba ang kapangyarihan ng Secretary general na mag-alis ng pangalan ng miyembro matapos ang June 30, gaya ng ginawa kay Jalosjos.

Panalo si Jalosjos sa eleksiyon noong Mayo 2022, matapos makakuha ng 69,109 na boto at ng madeklarang nuisance candidate ang isang Fre­derico Jalosjos Jr. na kung saan ang botong 5,424 na nakuha nito ay idinagdag sa totoong Jalosjos.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with