Freelance workers ­pinabibigyan ng social protection

Kapag naging batas, inaasahang mabibigyan ng patas na pagtrato ang mga freelance workers, magpapabuti ng kondisyon ng kanilang pagtatrabaho, magpapasimple kanilang tax registrations, at maraming iba pa.
Pixabay / Stock

MANILA, Philippines — Naghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong magbigay ng social protection sa mga freelance workers kasunod ng inaasahang patuloy na paglago ng gig economy sa bansa.

“Ang freelancing ay isa nang makabuluhang karera, lalo na sa mga kabataang nagtatrabaho bago pa man ang pandemya ng COVID-19. Sa inaasahang pagtaas ng freelance workers sa darating na mga taon, kailangan nating tiyakin na ang mga social protection scheme ay angkop at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga freelance workers,” ani Gatchalian sa Senate Bill No. 945 o ang Freelancers Protection Act.

Noong Hunyo 2021, ipinakita ng datos mula sa Creative Economy Council of the Philippines (CECP) na humigit-kumulang 1.5 milyong Pilipino ang nakapag-ambag sa tinatawag na gig economy.

Lumabas din sa pag-aaral na isinagawa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at ng World Intellectual Property Organization na ang kontribusyon ng creative o copy-right-based na mga industriya sa gross domestic product (GDP) ng bansa ay P661.23 bilyon o 7.3% ng ekonomiya ng bansa.

Kapag naging batas, inaasahang mabibigyan ng patas na pagtrato ang mga freelance workers, magpapabuti ng kondisyon ng kanilang pagtatrabaho, magpapasimple kanilang tax registrations, at maraming iba pa.

 

 

 

Show comments