^

Bansa

PMAers sa PNP hinikayat ang nagmamatigas na 11 senior officers na magbitiw na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang itinakdang palugit na Enero 31, hinikayat ng asosasyon ng mga nagsipagtapos sa Philippine Military Aca­demy (PMAers) na mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang 11 pang mga senior officers na nagmamatigas maghain ng courtesy resignation na tumalima sa kautusan.

Ang courtesy resignation ay panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa halos 1,000 general at full colonels kaugnay ng paglilinis sa PNP sa mga sangkot sa illegal drug trade

Una nang pinalagan sa kumalat na manifesto ng mga junior officers sa PNP ang nasabing hakbang dahil lumilikha umano ito ng matinding demoralisasyon sa kanilang hanay kung saan pinarurusahan umano ang lahat sa pagkakasala ng sinasabing ‘less than 10” na PNP officers na sabit sa droga.

Ayon naman sa ilang sektor, isa itong matinding kalokohan, pag-aaksaya ng oras na hindi pinag-isipang mabuti ni Abalos at siya mismo ang dumudurog sa imahe ng PNP sa mata ng publiko.

Una na ring sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na mali ang shortcut sa proseso ni Abalos at paano pa aniya pagtitiwalaan ang PNP kung ang mismong nangyuyurak sa dangal ng kapulisan ay ang mismong Kalihim sa sablay nitong sistema at dahilan sa alter ego ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kasiraan din umano ito ng punong ehekutibo.

“On behalf of the Police Cavaliers Association, bilang Presidente ng  grupo umaapela ako sa 11 pang mga senior officers na ­maghain na ng courtesy ­resignation bago ang deadline sa Enero 31,” panawagan ni Major General Valeriano de Leon, Pangulo ng Police Cavaliers Association.

Inihayag ng opisyal na ang pagtalima sa kautusan ng DILG Secretary ay bahagi ng Chain of Command na dapat irespeto at sundin.

Ang 11 pang hindi ­naghahain ng courtesy re­signation ay tatlong he­neral na nakatakda ng ­magretiro bago ang deadline sa ­Enero 31.

 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with